Piso manalo ng upos. Siguradong eeksena si Kris Aquino sa kandidatura sa panguluhan ni Secretary Mar Roxas. Kung ngayon pa nga lang ay nagbibigay na ng mga senyal si Kris ay paano pa kaya kapag malapit na ang kampanyahan?
Sa sinabi pa lang niya na sa isang pamilya ay nagkakaroon ng mga disgusto ang magkakapatid, sa binitiwan pa lang niyang pahayag na hindi naman sa lahat ng bagay ay nagkakasundu-sundo ang magkakapatid ay bigay na bigay nang meron siyang ibang manok sa panguluhan, iba sa inendorso ng kanyang kapatid na pangulo.
Nang-agaw na naman ng eksena si Tetay, sa tanong kung sinusuportahan ba niya si Kuyang Mar sa panguluhan ay matagal muna siyang nag-isip, pero hindi naman sumagot.
Meron na raw silang pag-uusap ng kanyang kuya. Nirerespeto raw niya ‘yun, kaya sana’y respetuhin din ng mga mamamahayag ang kanilang pinag-usapan, sinasabi niya ‘yun sa paraang nagbibigay siya ng senyal na hindi niya gusto ang asawa ni Korina Sanchez.
Habang naka-extreme close-up ang mukha ni Kris sa panayam nu’ng ikaanim na anibersaryo ng kamatayan ng kanyang dakilang ina ay may napansin kami.
Ibang-iba na ang itsura ngayon ni Kris. May malaking pagbabago sa kanyang mukha bukod pa sa pagpapabago niya ng ilong. Tumapang ang kanyang itsura, lalo na sa bandang kilay at pisngi niya.
Hindi man katangusan ang kanyang dating ilong ay malambot naman ang da- ting ng kanyang mukha, hindi tulad ngayon na matapang, anu-ano kaya ang prosesong pinagdaanan ni Tetay?
Mas gusto namin ang dati niyang itsura.