TUMANGGING magbigay ng komento si Lovi Poe nang tanungin kung ano ang payong maibibigay niya sa kapatid na si Sen. Grace Poe tungkol sa pagtakbo nitong presidente sa 2016.
Hindi pa nakakapagdesisyon ang senadora kung tatakbo nga siya sa eleksiyon 2016 bilang presidente, pero marami ang kumukumbinse sa kanya na ituloy na ang laban ng amang si FPJ.
Sa presscon ng bagong serye ni Lovi sa GMA, ang Beautiful Strangers na magsisimula na sa Aug. 10, sinabi ng aktres na wala rin siyang alam kung ano ang magiging desisyon ng kapatid, “Well, I’m really happy for her because a lot of people believe in her.
“And I really don’t know what her decision is. But then, whatever naman she wants to do, I’ll just be here. I’m just one call away,” paniniguro ng Kapuso actress.
Pero kung sa kanya hihingi ng advice si Sen. Grace, ano kaya ang ipapayo niya sa kanyang half-sister?
“Well, I’m not a position kasi to say anything about it. I don’t know, e.
I mean, I’m aware of what’s happening, pero I’m not the right person to talk to when it comes to politics. But then, wala.
Parang whatever talaga she does, I’m just a call away,” chika pa ng aktres. Siya ba ay may balak ding sumabak sa politika pagdating ng tamang panahon? “I can serve the people siguro in other ways.”
In fairness, isa sa mga pinag-uusapan sa mga umpukan sa showbiz, ay ang tungkol kay Grace Poe. Kahit nga sa birthday party ng ina nitong si Susan Roces kamakailan, ay hindi nilubayan ang senadora ng mga intriga tungkol sa kanyang kwalipikasyon para sa pagtakbong presidente, kung sakaling matuloy nga ito
Mariing sinabi ng senadora na hindi siya hayok maging pangulo kung ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang magsinungaling tungkol sa kanyang residency at citizenship.
“Hindi po kaya ng kunsensya ko ang manloko para lamang tumakbo sa mas mataas na posisyon,” ang naging pahayag ni Sen. Grace. Aniya pa, “Hindi ko po inaambisyon ang ganoong posisyon na gagawin ko ang lahat para lang makamit ito.”
Bilang pagpupugay naman sa ina, ibinahagi ng senadora ang isang habilin ni Susan Roces sa kanya. Aniya, pinaalalahanan siya ng kanyang ina “not to lose herself” lalo na sa ganitong pahanon.
“Pinalaki kitang isang tapat na tao, maayos at marangal sa iyong pamilya at sa mga kasama mo. Kaya sa puntong ito ng buhay mo, huwag mong iwala ang sarili mo,” sabi ni Tita Susan sa anak.
Ayon sa senadora, hindi pa rin nakakalimutan ng kanilang pamilya ang hirap na pinagadaanan ng kanyang amang si FPJ nang sumabak ito sa pulitika noong 2004 dahil sa udyok ng mga matatalik na kaibigan at tagasuporta.
“Napakahirap ng dinaanan ng tatay ko noong 2004. Hindi biro ‘yung kampanyang iyon. Kaya ako nag-iisip ng ganito dahil alam ko na ang pinagdaanan ng tatay ko,” aniya.
Sabi pa ng senadora, kinokonsidera rin niya ang saloobin ng kanyang pamilya sa isyu ng kanyang napapabalitang pagtakbo. Ang dalawang nakatatandang anak daw niya ay hindi naman tutol dito.
Pero ang kanyang bunso raw, na 11 years old pa lang, ay nangangamba namang mawawalan siya ng oras sa kanila kung sakaling tumakbo ito para sa mas mataas na posisyon.
Speaking of Beautiful Strangers, sa trailer nito ay may eksenang nag-propose ng kasal si Rocco Nacino (bilang Noel) kay Lovi (bilang Joyce/Lea).
Kaya naman tinanong si Lovi kung inaasahan din niyang mangyari ito sa tunay na buhay? “Wala, sa eksena lang!” natatawang tugon ng Kapuso actress.
Dugtong niya, “Hindi pa oras. Siyempre ang gusto talaga namin is self-fulfilment first. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay, as individuals.”
Matagal ding hindi napanood sa teleserye si Lovi, ang huling soap na pinagbidahan niya ay ang Dalawang Mrs. Real with Dingdong Dantes and Maricel Soriano.
“Kasi, parang ako, it’s always about how good the story is; the quality plus the people I work with. I mean, yung makasama namin si Christopher de Leon, Ms. Dina Bonnevie sa isang mabigat na drama pa.
“Parang dream come true yun kasi hindi siya basta-basta. At siguro ang pinakabago para sa akin dito is mag-portray ng taong-grasa. First time yun.
May eksena rin siya sa serye na ginahasa siya ni Boyet, ano ang masasabi niya sa rape scene nila ng award-winning actor, “It was a very good scene! Nag-usap kami ni Sir Boyet before making it.
Sabi namin, kailangan naming pagandahin kasi nga, sa script, parang it was very good.”