Faried, Green darating sa bansa para sa NBA 3X Philippines

DARATING sa bansa ang mga NBA players na sina Denver Nuggets forward Kenneth Faried at San Antonio Spurs guard Danny Green para sa NBA 3X Philippines 2015 sa SM Mall of Asia Music Hall mula Agosto 28 hanggang 30.

Ito na ang ikalimang sunod na taon na maisasagawa ang kompetisyon at ang pagdating nina Faried at Green ang magdaragdag kinang sa kaganapan.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa bansa ang 6-foot-8 na si Faried at sinabi niyang nasasabik siya sa oportunidad na makapunta sa Pilipinas na kilala na panatiko sa basketball.

“I’m excited to visit the Philippines for the first time to experience the culture. Filipinos are incredibly passionate about the game, and this will be a weekend of great basketball as the players get the opportunity to showcase their skills,” wika ni Faried.

Si Green ay isang 6-foot-6 guard na kabilang sa 2014 NBA champion San Antonio Spurs.

“The NBA 3X Philippines is celebrating its fifth consecutive staging in Manila and we continue our goal of providing our loyal fans the platform to interact with NBA talents and to showcase their on-court skills,” wika ni Carlo Singson, Philippines Country Manager, NBA Asia.

Ang kompetisyon ay bukas para sa boys under-18, under-16 at under-13 bukod sa girls under-16. Nagsimula kahapon ang registration gamit ang first-come-first serve alituntunin at ang entry fee ay P1,000 kada koponan.

Magkakaroon din ng open categories sa kalalakihan at kababaihan at P1,600 ang registration fee para rito.

Read more...