‘Posibleng kilala ng pinaslang na miyembro ng Masculados ang kanyang killer!’ – PNP

uzo ong

Malaki ang posibilidad na kilala ng pinatay na miyembro ng Masculados na si Ozu Ong ang kanyang killer, ayon sa mga paunang imbestigasyon ng pulisya.

Binaril si Ozu noong Linggo ng madaling-araw sa harap ng Primrose Hills Subdivision sa Angono, Rizal. Tinangay ng mga suspek ang minamaneho nitong Toyota Hilux (AAO2272).

Sa ulat ng pulisya, posibleng dalawa ang sangkot sa krimen base na rin sa salaysay ng nakasaksi sa insidente. Ang isa raw sa mga suspek ang bumaril sa biktima habang ang isa naman ang nagmaneho ng sasakyan nito.

Isa pa sa anggulong tinitingnan ng mga otoridad ay kung may kaugnayan ang pagpatay sa pagpe-perform ni Ozu sa mga bar.

Matapos mabalita ang insidente, bumuhos sa Facebook account ng mga kaanak at kaibigan ng biktima ang pagdadalamhati at pakikiramay sa member ng Masculados.

Nanawagan din ang mga kasamahan niya sa grupo na makamit agad ng kanilang kaibigan ang hustisya.
Ayon naman sa manager ng Masculados na si Direk Maryo J. delos Reyes, ang mga labi ni Ozu ay nakahimlay sa Lazarus Chapel B ng Transfiguration of Christ Parish Church and Columbarium, sa Antipolo City.

Read more...