Execs ng GMA-7 sinampahan ng syndicated estafa

gma
SINAMPAHAN ni San Miguel Corp. president at chief operating officer Ramon S. Ang ng syndicated estafa si GMA chair at chief executive officer Felipe L. Gozon, mga miyembro ng kanyang pamilya at iba pang stockholders at mga opisyal ng broadcast giant.

Sa 19-na-pahinang reklamo na inihain ni Ang sa Department of Justice (DOJ), inakusahan niya si Gozon at ang kanyang grupo na ibalik ang P1 bilyong downpayment na kanyang ibinigay para bilhin ang 34 porsiyento ng GMA.
Bukod kay Gozon, kabilang sa mga kinasuhan ay sina Felipe M. Gozon Jr., Anna Teresa Gozon-Abrogar at Ismael Augusto S. Gozon.
Ang iba pang sinampahan ay sina GMA executives Belinda G. Madrid, Ma. Erlinda G. Gana, Jaime Javier Gana, Florencia Gozon Tarriela, Edgar Tarriela at Tricia T. Valderrama.

Read more...