Sino ang susuportahan ng mga Estrada?

jingoy estrada
Wala pang kasiguruhan kung sino ang susuportahan ng pamilya Estrada sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada hihintayin na lamang niya ang desisyon ng kanyang ama na si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.
“I do not want to pre-empt the decision of President Estrada. It’s all up to him. He knows best. Alam niya kung ano ang makakabuti sa ating bansa. Hintayin na lang natin si Pangulong Estrada,” saad ng senador na dumalo sa pagdinig ng kanyang kasong plunder Sandiganbayan Fifth Division.
Sinabi ng senador na hindi pa sila nakakapag-usap ni Vice President Jejomar Binay, isa sa mga kakandidato sa susunod na taon.
“Alam mo aasikasuhin ko muna ang kaso ko,” ani Estrada ng tanungin ng mga mamamahayag kahapon. “Walang kasiguruhan.”
Pagbibiro pa ng senador, ‘tumatakbo ako araw-araw sa treadmill’.
Wala pang inaanunsyo ang alkalde kung sino ang kanyang susuportahan.
Nauna niyang pinuri ang pag-endorso ni Pangulong Aquino kay Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na miyembro ng kanyang Gabinete. Inaanak naman niya si Sen. Grace Poe na hindi pa nagdedesisyon kung tatakbo.

Read more...