Jackpot sa Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P140M

Posibleng umabot sa P140 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa P135.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola noong Linggo kung saan lumabas ang mga numerong 48-40-24-27-11-29.
Umabot sa P20.3 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P203,620 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numero at tig-P1,550 naman ang 525 mananaya na nakaapat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 12,878 mananaya.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...