SINABI ni Pangulong Aquino na kukumbinsihin niya si Interior Secretary Mar Roxas na manatili muna sa Department of Interior and Local Government (DILG) habang tinatapos ang kanyang mga naumpisahang mga proyekto sa kagawaran.
“Well, there are several names pero at the same time I might even prevail on him to stay in the post a little longer to finish a lot of the things that are being done,” sabi ni Aquino sa isang ambush interview sa ika-111 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City.
Ito’y matapos namang magpaalam na si Roxas sa DILG ilang araw makalipas siyang iendorso ni Aquino bilang standard bearer ng Liberal Party (LP).
“Kung sa transition madagdagan naman ng time medyo major interest ko ‘yon. So I’d like him to finish a lot of the things that can be finished before leaving the post and having the transition period,” ayon pa kay Aquino.
Nakatakda nang isumite ni Roxas ang kanyang resignation letter kay Aquino ngayong araw.
Iginiit ni Aquino na nais niyang hindi maantala ang mga programang naumpisahan na ni Roxas.
“For instance, sa PNP (Philippine National Police) ‘yung kanilang ‘shoot, scoot and communicate’ na paga-upgrade ng kanilang facilities sa equipment et cetera is ongoing. Nagfa-follow up ako doon sa informal settlers na issue lalo na sa Metro Manila. Marami talagang trabaho doon na, again, ang konsepto huwag nating patagalin ‘yung pagdurusa ng ating mga kababayan.