PNoy hinamon si VP Binay na tamang impormasyon ang ibigay sa kanyang sariling SONA

Pangulong Aquino

Pangulong Aquino


SINABI ni Pangulong Aquino na malaya si Vice President Jejomar Binay na magsagawa ng kanyang sariling State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

“So we are in a democracy. Everybody is entitled to their opinion so long as they conform to the rules and the laws of the land, they are free to speak their mind,” sabi ni Aquino sa isang ambush interview matapos dumalo sa ika-111 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City.

Tumanggi naman si Aquino kung inaasahan niyang may sasabihing maganda si Binay sa kanyang administrasyon.

“Mahirap naman yatang pangunahan ko ‘yung nakakatanda sa akin,” ayon pa kay Aquino.

Iginiit naman ni Aquino na pawang katotohanan ang kanyang iniulat sa bayan sa kanyang SONA noong Hulyo 27, 2015.

“Wala akong palagay ko tradisyon o record na nagsisinungaling kanino man. So iyon na, I stand by what we said. Kapag maghanap ka ng wrong positioning of the comma or the semicolon, kung ganun ka kabusisi or mali ‘yung ginamit naming font, palagay ko meron pa ring maghihirit,” dagdag pa ni Aquino.

May apela naman si Aquino kay Binay.

“Well, one would hope that he would honor his pledge to serve the people and part of that is ‘di ba giving them the right information,” sabi pa ni Aquino.

Read more...