Kris di pa kumbinsido kung susuportahan si Bistek

NGAYONG Quezon City voter na ang presidential sister na si Kris Aquino, iboboto naman kaya niya ang dating BF na si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa darating na halalan?

Giit ni Kris: “kailangan kumbinsihin muna niya ako”, sabay tawa nang malakas.

Read more: Kris Aquino botante na ng QC; itinangging tatakbo sa 2016 https://bandera.inquirer.net/98792/kris-aquino-botante-na-ng-qc-itinangging-tatakbo-sa-2016

Ngunit dagdag niya na iboboto niya ito dahil wala naman daw itong makakalaban.

“Wala naman sigurong tatapat sa kanya so siguro naman (boboto ko siya,” dagdag pa ng TV host.

Nitong Pebrero, inihayag ni Aquino sa kanyang blog na hiningi ni Bautista ang kanyang kamay para pakasalan, ngunit matapos ang ilang araw sila ay nag-break.

 

 

 

Read more...