NAGPAALAM na ang presidential-anointed na si Mar Roxas sa mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police, na nasa kanyang ilalim bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.
“Mga kasama, gagamitin ko ang pagkakataon itong upang magpaalam na muna sa inyong lahat. Dapat ko munang ipaubaya ang pamumuno sa iba,” pahayag ni Roxas sa harap ng may ilang daang unipormadong pulis na dumalo sa lingguhang flag raising ceremony sa Camp Crame.
Nagpaalam na si Roxas ilang araw matapos pormal na iendorso ni Pangulong Aquino bilang kanyang pambato sa nalalapit na halalan sa isinagawang “gathering of friends” na inihanda ng Liberal Party.
Matapos ang endorsement, dali-dali naman ang mga panawagan kay Roxas na magbitiw sa pwesto at huwag gamiting ang kanyang posisyon para isulong ang kanyang ambisyon na maging pangulo.
Hindi naman tinukoy ni Roxas kung nakapgasumite na siya ng kanyang resignation letter sa Palasyo.
“Ladies and gentlemen of the PNP, it has been my pleasure and a great honor to serve you. I give you my snappy salute. Maraming, maraming salamat po (Thank you very much), carry on,” dagdag pa nito.