Dingdong nakapagdesisyon na sa Eleksiyon 2016 | Bandera

Dingdong nakapagdesisyon na sa Eleksiyon 2016

Ervin Santiago - August 03, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes

SINIGURO sa amin ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na hindi talaga siya tatakbo sa 2016 elections, ito’y sa kabila ng kumakalat na balita na kasado na raw ang political plans ng aktor next year.

Ayon sa ulat, patuloy pa rin daw kasing kinukumbinse ng ilang political groups ang mister ni Marian Rivera para lumaban sa darating na eleksiyon.

Partikular na tinukoy ang pagsabak diumano ng aktor sa senatorial race. Sa ginanap na thanksgiving party para sa GMA Telebabad series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ni Dingdong, muli namin siyang tinanong kung may pagbabago ba sa plano niya in terms of politics, aniya, ganu’n pa rin ang desisyon niya – hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2016.

“Uunahin ko muna yung mga priorities ko ngayon, like yung sa National Youth Commission, (kung saan siya itinalagang commissioner at large) tuluy-tuloy yung mga proyekto natin diyan, katatapos lang nu’ng ginawa naming training for the earthquake drill, and marami pa tayong naka-line up na projects for the youth,” pahayag ni Dong.

Bukod pa riyan, meron pa siyang YES Foundation at siyempre, ang top priority pa rin niya ay ang kanyang pamilya, lalo na ngayong magkakaroon na sila ng baby ni Marian.

Kaya sey ni Dingdong, wala pa talaga siyang panahon para i-commit ang sarili niya sa politika.
Samantala, inamin ni Dingdong na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging tatay na siya.

Nakita na niya ang itsura ni Little Marian matapos magpa-ultrasound ang Primetime Queen kamakailan. “Oo, nakita ko na siya, sabi nila kamukha ko raw, pero tingin ko kamukha ng asawa ko.

Pero regardless, boy or girl, ang lagi naming ipinagdarasal, healthy siya. Until now, hindi nga ako makapaniwala, nu’ng nakita ko yung itsura niya, sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’ Bumilib mga ako du’n sa mga aparato na ginagamit nila, talagang hi-tech, biro mo, nasa tiyan pa lang yung baby, nakikita mo na yung itsura nya,” sey ni Dingdong.

Natutuwa naman si Dingdong sa mga natatanggap niyang feedbacks sa pagpapatuloy ng faith serye nilang Pari ‘Koy at umaasa siya na kahit magtapos na ito ay manatiling buhay sa isipan at puso ng mga tao ang lahat ng aral na naibahagi ni Father Kokoy at ng iba pang karakter sa programa.

“Actually, dalawang beses na kami na -extend, pero kung magtatagal pa ang Pari ‘Koy, depende yan sa management, but now, we are already grateful na tumagal kami ng ganito, at napakarami naming nai-inspire at napapasaya,” sey pa ni Dong.

Marami nang Kapuso stars ang nag-guest sa Pari ‘Koy, kabilang na riyan sina Mark Herras at Kris Bernal, Carla Abellana at Louise delos Reyes – at sa mga susunod na episode ng serye, mapapanood naman ang Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ni Dingdong, dream come true para sa kanya ang makatrabaho si Ate Guy, “Hindi lang makaeksena, kahit man lang makausap nang matagal, kasi lagi ko lang siyang nakakasalubong sa mga events.

“Pero ngayon, kasama ko na ang isa pinakamagaling na aktres sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon sa Pari ‘Koy, at mararanasan ko na rin yung karangalan na makatrabaho siya,” sabi pa ng Primetime King.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa maidetalye ni Dingdong kung anong magiging role ni Ate Guy sa serye ng GMA, kakatanggap pa lang daw kasi niya ng script kung saan papasok ang karakter ng Superstar.

Maraming-marami pang mangyayari sa Pari ‘Koy na napapanood pagkatapos ng 24 Oras, kaya yan ang tutukan n’yo, kasama pa rin dito sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Jillian Ward, David Remo as Pinggoy, at marami pang iba, sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending