1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Baguio

baguio
ISA ang patay, samantalang sugatan ang tatlong iba pa nang maaksidente ang isang delivery van sa Suello Village kaninang umaga sa Baguio City.
Sinabi ni Rafael Valencia, pinuno ng volunteer rescue group 911 On Call, na nawalan ng kontrol ang van na minamaneho ni Bonifacio Pantalunan, 64, matapos magluko ang preno nito habang pababa ng burol ganap na alas-8:20 ng umaga.
Bumangga ang van malapit sa isang golf course.
Idinagdag ni Valencia na nasawi si Pantalunan, samantalang sugatan naman ang mga pasahero ng van na sina Abraham Rivera, Edgar Velando at Christian Cruz, na dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Read more...