5 lindol sa Davao del Norte

davao del norte
Limang lindol ang yumanig sa Davao del Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang pinakamalakas sa mga ito ay may lakas na magnitude 4.6 at naramdaman alas-11:17 ng gabi kamakalawa.
Ang sentro nito ay 28 kilometro sa kanluran ng bayan ng Santo Tomas at may lalim na walong kilometro.
Nagresulta ito sa paggalaw na may lakas na Intensity IV sa Santo Tomas, Intensity III sa Davao City, at bayan ng Asuncion at Intensity II sa Tagum City.
Nasundan ito ng paggalaw na may lakas na magnitude 3.5 alas-11:37 ng gabi at magnitude 3.2 ala-1:31 ng umaga kahapon.
Ala-1:42 ng umaga naramdaman ang magnitude 3.4 na sinundan ng magntude 3.7 alas-8:52 ng umaga.

Read more...