Miyembro ng Masculados utas sa karnaper

masculados
Nasawi ang miyembro ng singing group na Masculados matapos itong barilin ng karnaper sa Angono, Rizal kahapon ng umaga.
Agad na binawian ng buhay si Ozu Ong, 30, ng Primrose Hills Subd., Brgy. Mahabang Parang.
Ayon kay PO3 Micaela Cruz, ng Angono Police, tinangay ng mga suspek ang kanyang itim na Toyota Hilux na may plakang AOA 2722 alas-3:45 ng umaga.
Galing ang biktima sa isang show sa Quezon City at papauwi na umano. Hindi malinaw kung bumaba ang biktima o sapilitan itong pinababa bago binaril.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek.
Dinala ang labi ng biktima sa Funeraria Antipolo.

Read more...