JPE, Reyes hindi nagkita

bong jpe
Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Sen. Juan Ponce Enrile na makita ang kanyang dating chief of staff na si Atty. Jessica Lucila ‘Gigi’ Reyes sa pagdinig ng kanilang kaso kahapon.
“I didn’t see her. I have no eyes behind,” ani Enrile matapos ang pagdinig ng kasong plunder nito sa Sandiganbayan Third Division kahapon.
Nakaupo si Enrile sa harapan samantalang nasa likuran naman si Reyes. Pinadalo sila kahapon para sana sa pretrial ng kanilang kaso na hindi naman natuloy.
Noong 2013 ay nagsalita ang misis ni Enrile na si Cristina kaugnay ng relasyon umano ng senador at ni Reyes.
Sinabi ni Enrile na nagbabasa siya habang naka-hospital arrest sa Philippine National Police General Hospital.
“I’m okay. I’m doing a lot of reading, studying geography, capital generation, power competition, currency development,” ani Enrile matapos ang pagdinig ng kaso.

Read more...