Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

davao oriental
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Davao Oriental kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:45 ng umaga. Ang sentro nito ay 68 kilometro sa silangan ng Governor Generoso.
May lalim itong 40 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng paggalaw na may lakas na Intensity II sa General Santos City.

Read more...