Walang iwanan: Mar Roxas naging tapat kay P-Noy

mar roxas

Ayon sa aming kakuwentuhan ay hindi makakalimutan ni DILG Secretary Mar Roxas ang araw na ito. Kundi magbabago ang mga plano ay ngayong Biyernes siya itatalaga bilang kandidato sa panguluhan ng Liberal Party.

Sa makasaysayang Club Filipino rin ang lugar. Kung matatandaan, nu’ng taong 2010 ay sa mismong lugar ding ‘yun sa Greenhills naganap ang pinakamatinding bangungot sa buhay-pulitika ni Kuyang Mar nang sa halip na siya ay si P-Noy ang naging kandidato ng Liberal Party, nakudeta ang mister ni Ate Koring!

Biglang nagbago ang plano, nag-switch bigla sila ni P-Noy, siya ang tumakbong vice-president at ang naulila sa inang si P-Noy ang tumakbong pangulo.

Hinog na ang panahon para patikimin naman ng masarap na pagpapahalaga si Secretary Mar. Nagbigay na siya nu’n, nagpaubaya na, harinawang siya na nga ang maging kandidato sa panguluhan ng partido Liberal.

Naging tapat si Kuyang Mar sa pangulo, may pagkakataon na sanang mas humalimuyak ang kanyang pangalan nu’ng kasagsagan ng isyu ng SAF-44, pero nanatili ang sekretaryo ng DILG sa tabi ni P-Noy kahit pa sunog na sunog siya sa mga mapanghusgang komento ng mas nakararami.

Manalo o matalo ay dapat lang namang ibalik ng kanyang pinagbigyan nu’ng 2010 ang ulo ni Secretary Mar Roxas sa kanyang leeg.

Read more...