MEDYO naninilikado ang imahe ni Liza Soberano sa publiko dala ng mga hindi sinasadyang mga pahayag ni Enrique Gil about her.
Aware naman ang lahat na si Enrique ang pinakamalapit na lalaki sa buhay at karera ng dalaga dahil ka-loveteam nga niya ito pero dapat ay medyo dobleng ingat ang gawin ni Quen para hindi naman malagay sa alanganin ang kaniyang lady love.
Like for instance, yung joke niya sa pagsasabing “kasal na lang ang kulang” sa kanilang dalawa ni Liza, it sent a wrong message to many.
Kasi nga, pag sinabing kasal na ang kulang sa dalawang nilalang, ibig sabihin that they’ve been super intimate na nagawa na ang mga bagay-bagay na ginagawa ng mag-asawang hindi pa kasal.
Alam naman nating hindi ganoon ang ibig sabihin ni Quen pero for many ay iba ang pag-intindi nila. Not even as a joke kasi nga nalalagay sa alanganin ang imahe ng girl na in fairness ay super-wholesome talaga at mabait sa tunay na buhay.
“Baka masyado raw overwhelmed si Enrique dahil sa gitna ng pagpantasya ng bayan kay Liza ay siya itong closest to her and mukhang ka-MU niya.
Kumbaga, winner siya kay Liza kaya dapat ay hindi siya nagsasabi ng kung anu-ano para hindi maging nega ang girl sa public.
“Kasi naman, nakatsamba nga itong si Enrique kay Liza – sikat na sikat si Liza now and nakasabay sa kasikatan niya si Enrique na matagal na sa showbiz pero ngayon lang talaga nagkapangalan nang husto. Ingat lang, P’re,” advise ng isang netizen.
Meron pang huling ganap daw between Enrique and Liza – yung sinasabing biglang nanggigil si Enrique at nahalikan si Liza sa lips.
Nabasa namin ito sa ibang columns pero as of now ay wala naman kaming nakitang picture na kitang hinalikan ni Quen si Liza sa lips.
Merong pic na hinalikan ni Quen si Liza sa bandang noo na merong affection ang dating. Ang tingin tuloy ng tao sa kanila ay talagang magdyowa na dahil parang nagagawa nga ni Enrique ang ilang sweetness kay Liza na normal sa magsyota na.
Pero of course, dinedeny nila ito dahil bata pa raw si Liza – wala pang 18 years old. Sayang kung mauuwi lang sa wala ang mainit na magka-loveteam na ito dahil sa pagpapabaya ni Enrique.
Alagaan mo naman ang imahe ng ka-loveteam mo tutal at the end of the game, ikaw naman ang may pinakapakinabang riyan.
Magiging syota mo na iyan legally one day, lalo ka pang sisikat, di ba mga Ining?