Zanjoe: Hindi kasali si Paulo sa pinagdadaanan namin ni Bea!

mahal dyowa

Nagsalita na rin si Zanjoe Marudo tungkol sa alleged break-up nila ni Bea Alonzo. He also admitted na may pinagdaraanan nga sila ngayon ng kanyang dyowa.

“Hindi naman ‘to ang unang beses na meron kaming pinagdaanan ni Bea. Maraming beses na…siyempre yung pagmamahal, hangga’t hindi nawawala yun, hangga’t andun ang pagmamahal, kahit anong problema ang dumating sa amin, hindi kami matitibag kung mahal pa rin namin ang isa’t isa.”

He also denied rumors na si Paulo Avelino ang rason kung bakit nagkaroon sila ng problema ni Bea, “Yun nga yung hindi maganda, may mga nadadamay pang ibang tao.

Dahil hindi naman ganu’n yung nabuo naming relasyon ni Bea na alam ng tao. “So, hindi maganda na nadudumihan dahil sa mga ganu’ng klaseng isyu.

Hindi yun kasali sa kung anuman yung pinagdadaanan namin ni Bea,” Zanjoe said in an interview with Aquino And Abunda Tonight.

Read more...