Bagong titulo ni Kris pinagtawanan ng mga Pinoy

kris aquino uli

Marami ang natawa sa pagkahirang kay Kris Aquino bilang Most Beautiful Star of 2015 ng YES! Magazine. Parang hindi naman daw totoo.

“Paano siya naging Most Beautiful Star? Natalo pa niya ang kagandahan nina Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, Liza Soberano and many others? Okay lang yung mapasali siya sa Top 100 or even Top 50 as Most Beautiful pero to win the game as the Most Beautiful of them all ay parang isang malaking joke.

“Ano ba ang criteria nila? Padamihan ng sponsors (print ads) na maipasok sa magazine nila? Ganoon siguro iyon. Kung iyon ang batayan nila, wala nang kawalang siya nga ang pinakamaganda.

Pero kung beauty of the face and ugali, she won’t win that. Isang malaking kalokahan ito,” inis na inis na text sa amin ng isang regular listener/viewer namin sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM the other night.

Ayoko na lang mag-comment dahil kahit ako ay nagulat. Kung sana ang pa-contest nila ay The Best Showbiz Mom, ako na mismo ang magtutulak sa kanila to have Kris as unanimous winner pero as Most Beautiful, kailangan muna ng matinding pagsusuri mula sa SGV iyan. Ha-hahaha!

Read more...