Sigaw ng bagong boyfriend ni Mahal: Napapaligaya niya ako!

mahal

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagkalat ng balitang maligayang-maligaya na raw ngayon ang maliit na komedyanang si Mahal sa piling ng kanyang boyfriend.

Nakilala ang dyowa ni Mahal na si Aries Navarro, isang single dad at aspiring actor. Sa interview ng ABS-CBN kay Aries, sinabi nitong dalawang taon na silang magkarelasyon ni Mahal.

“Dalawang taon na po kami ni Mahal, 34 years old na ako at si Mahal ay 40 na. Sa akin po siya nakatira ngayon habang wala ako sa Pilipinas,” anito sa nasabing panayam.

Kuwento pa nito, “Noong 2012 nung nakita ko siya sa (Facebook) ng friend ko habang kausap niya sa Skype, nung nakita ko yung full name niya, in-add ko siya sa Facebook.

Nu’ng nakita niya pictures ko, na-in-love siguro siya sa akin at do’n na nagsimula.” Naging official couple ang dalawa noong May 15, 2013.

Mariin namang dinenay ni Aries na ginagamit lang niya si Mahal at lalong hindi raw niya ito hinuhuthutan tulad ng napapabalita.

Masaya raw siya sa piling ni Mahal at lagi siyang napapatawa nito, “Masaya ako sa kanya. Tuwing nag-uusap kami, nawawala ang stress ko sa trabaho.

Tanggap din siya ng family ko kasi masayahin siya,” sabi pa nito sa interview ng ABS-CBN.

Read more...