KUNG dati ay tsismis lang, ngayon ay handa nang sumabak sa 2016 national elections ang isang mambabatas na galing sa isang bigating political clan.
Nagsiguro lang pala si Mr. Politician na hindi niya papasanin nang solo ang gastos sa kanyang kandidatura just in case magdesisyon siya na makipagsabayan sa mga pambato ng iba pang partido sa 2016.
Malaking pera ang nakataya para sa isang nationwide campaign at hindi susugal ng malaking halaga ng salapi si Mr. Politician.
Iyan ang ipinarating ng kanyang kampo sa top brass ng kanilang partido kaya nagkaroon ng series of executive meetings ang mga bossing sa kanilang political party.
Kung dati ay handa na sila para sa isang coalition, bigla raw nagbago ang lahat nang magsalita ang nanay ni Mr. Politician.
Sinabi ni “Big Momma” na nakahanda siyang sumugal ng malaki para sa presidential bid ng kanyang unico hijo.
Ito ang nagpabago sa isipan ng mga bossing ng kanilang partido kaya nag-commit na rin ang mga ito na tatapatan nila ang pondong ilalabas ni Big Momma.
Nakikita nilang llamado sa laban si Mr. Politician lalo na kapag humigit sa apat ang mga kakandidato sa presidential election.
Bukod sa “solid north” ay malaking suporta rin ang makukuha ni Mr. Politician sa balwarte ng kanyang nanay sa Eastern Visayas.
Nililigawan nilang makapartner ni Mr. Politician si Mayor Rody Duterte dahil sa lawak ng impluwensya ng alkalde sa mga Cebuano-speaking provinces sa Southern Philippines.
Wala pang commitment si Mayor Duterte pero umaasa ang mga leader ng partido na makukuha rin nila ang mailap nitong “oo”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.