Thea Tolentino maldita nga ba sa tunay na buhay?

thea tolentino

NGAYONG Miyerkules, ang mga bida ng highest rating na Kapuso afternoon soap opera na The Half Sisters, sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisitahin si Igan sa Tonight with Arnold Clavio.

Alamin kung sing-bait at sing-amo nga ba ni Diana si Barbie Forteza sa totoong buhay. May tinatago rin kaya siyang “kalog side?” Baka masaksihan ito sa munting sorpresang inihanda ni Igan para sa nalalapit na kaarawan ni Barbie.

Si Ashley naman na kinamumuhian ng marami, siguradong kabaliktaran ng tunay na pagkatao ni Thea Tolentino. Iyan ang makukumpirma ni Igan sa kanilang kwentuhan tungkol sa pamilya, love life, at personal na buhay ng dalawa!

At hindi lang sa drama mahusay ang half sisters dahil magpapasiklab din sina Thea at Barbie sa pagpapatawa!

Siyempre, hindi lang ‘yan, makakasama din sa episode ang world class singer na si Ima Castro. Maaalalang tulad ni Lea Salonga ay gumanap din siyang Kim sa broadway musical na “Miss Saigon”.

Abangan ang pagbirit niya sa TWAC. Tutok na ngayong Miyerkules, sa Tonight With Arnold Clavio, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Read more...