Kris pinalalabas na masamang ama si James kay Bimby

kris aquino

Kris Aquino revealed to a follower on Instagram na hindi nagpapadala ng sustento ang ex-husband niyang si James Yap.

Talagang ginrab ni Kris ang pagkakataon para isapubliko ang hindi pagbibigay ng sustento ni James sa anak nilang si Bimby.

May nag-comment kasi na mabuti pa si James nagbibigay ng sustento, maikli pero malaman ang naging tugon ng Queen of Talk.

“@jovelynpf sorry to disillusion you, but we also don’t receive financial support from Bimb’s dad,” say ni Kris. Prior, Kris revealed that Phillip Salvador did not also give sustento sa anak nilang si Joshua.

Naku, hindi kaya mag-react ang kampo nito ni James dahil parang pinalalabas ni Kris na pabaya siyang ama? Baka naman nagbibigay noon si James pero since hindi naman kalakihan ay tinanggihan ni Kris kaya hindi na ito nagpapadala ng sustento.

Anyway, kayang-kaya naman ni Kris buhayin ang kanyang anak nang walang hinihinging tulong sa mga ama nito. Milyones ang mga endorsements niya, milyones din ang kita niya sa ABS-CBN not to mention ang income niya sa movies.

Meron pa siyang fastfood chain na pag-aari kaya maning-mani lang naman sa kanya ang lahat ng gastusin ng kaniyang mga anak.

Read more...