Gerald kasama sa bagong pelikula nina Liza at Enrique

gerald anderson

MALI ang sitsit sa amin ng kilalang talent manager na ipa-partner na sa iba si Enrique Gil dahil kahapon lang ay nagkaroon na ng story conference para sa next project ng aktor kasama ang ka-loveteam nitong si Liza Soberano with Gerald Anderson.

Ito ay ang follow-up movie nilang “Everyday I Love You” na ididirek naman ni Mae Cruz-Alviar mula sa Star Cinema. Ngayong taon din ito ipalalabas dahil iba pa pala ang gagawin nilang pelikula para sa 2016.

Nagulat nga kami dahil katatapos lang ipalabas ng “Just The Way You Are” pero heto at may kasunod na kaagad?

Anyway, nabanggit pa ng talent manager na kaya ipa-partner sa iba si Enrique ay dahil gusto raw nitong walang permanent loveteam para hindi siya natatali lang kay Liza.

Sabi naman namin, kay Liza nga lang sumikat nang husto si Enrique sa pamamahitan ng Forevermore, nakailang ka-loveteam na rin kasi ang binata pero walang nangyari. Hindi na kumibo ang kilalang talent manager sa amin, siguro nga naisip niyang tama kami.

Hmmmm, hindi kaya bitter lang siya dahil mas sikat si Enrique kaysa sa alaga niyang hindi na umangat-angat sa career? Pero teka, ano kayang magiging papel ni Gerald sa “Everyday I Love You?”

Read more...