Mga litrato ni Jinkee sa Instagam binatikos

jinkee pacquiao

Maraming bumatikos kay Sarangani Vice-Governor Jinkee Pacquiao dahil sa pagpo-post niya ng kung anu-ano sa kanyang Instagram account.

Mas lalong nabwisit ang netizens nang mag-post ang misis ni Manny Pacquiao ng litrato niya sa harap ng kanilang Hummer.

Ayon sa ilang bashers, sa halip na ibuyangyang ni Jinkee ang kanilang mga ari-arian ay asikasuhin na lang daw nito ang kanyang trabaho bilang vice-governor.

Masyado raw kasing mayabang ang dating ng kanyang mga litrato. May nagsabi naman na natutuwa sila sa mga bible verse na ipino-post ni Jinkee pero hindi nila nagugustuhan ang pagpo-pose ng asawa ni Pacman sa kung saan-saang bahagi ng kanilang mansion na parang gustong ipagsigawan sa buong mundo na super rich na sila.

Sabi nga ng isa niyang follower, “While there are those who lauded her faith, they wondered, “I absolutely LOVE how devoted to God you and your family are and I enjoy reading your bible posts and seeing your pictures, but sometimes I wonder… Would it be the same if you didn’t have all that name brand clothes, shoes, handbags, expensive cars…? No offense.”

Sey naman ng isa pa, “We read your bible verse but u always show off ur wealth. no good.”  Another follower said, “Make another instagram account for your selfies showing off all the thousands of $$$ you have on.

Nothing wrong with bragging about it if you can afford it. I would do it too, but to use bible verses on selfies to show name brand, very expensive clothes, shoes, jewelry, handbags, cars, houses, resorts, etc it’s not being ‘humble’ at all.#JustSaying.”

Read more...