Taga-Los Banos, Laguna wagi ng P9M sa 6/45 Mega Lotto

mega 6-45

SA Laguna tumaya ang nanalo ng P9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Los Banos tumaya ang nakakuha sa mga lumabas na numerong 02-01-06-05-20-10.

Nanalo naman ng P5,910 ang 111 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numero. Tig-P210 naman ang 2,424 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 25,121.

Nagkakahalaga ng P13.1 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto.

Read more...