Nag-boo kay PNoy di parurusahan

pnoy aquino
Walang balak si Speaker Feliciano Belmonte Jr., na kastiguhin pa ang mga nag-boo matapos marinig ang SONA ni Pangulong Aquino ngayong araw.
Hindi naman itinago ni Belmonte ang kanyang pagkadismaya sa mga militanteng kongresista na nang-agaw ng eksena sa sesyon ng plenaryo kagabi.
“I think the mere fact that they saw that everybody were virtually so embarrassed by them I think that’s enough,” ani Belmonte.
Wala rin umanong balak si Belmonte na kausapin pa ang mga ito.
“Yes I was very embarrassed. Because thay are all my people,” ani Belmonte.
Hindi naman umano humingi ng paumanhin si Belmonte kay Aquino kaugnay ng ginawa ng ilang kongresista. “Hindi na – alam niya naman kung ito eh… galing siya dito. Nakita naman niyang I was so pissed off by it.”

Read more...