Tanong ng madlang pipol: Ano bang nagawa nina Jinkee at Pacman para sa bayan?
ANO ba ang nagawa ni Cong. Manny Pacquiao during his whole term as a public servant? Ilang beses lang bang pumasok ito sa session hall ng kongreso mula nang siya’y mahalal?
Di ba’t isa siya sa pinakamaraming absent na kongresista?Ang katwiran niya ay kinain ng pagsasanay niya sa boksing ang panahon at energy niya kaya hindi siya nakakapagtrabaho as public servant.
Ang mahalaga naman daw ay nakakatulong siya sa kaniyang constituents at nakakapagbigay karangalan sa mga Pinoy everytime he wins sa boxing.
“Anong karangalan para sa bansa ang pinagsasabi niya? Karangalan at kita para lamang sa sarili niya iyon, oy! Huwag nga kayong parang ano…huwag ngang magbobo-bobohan.
Ibang usapan ang pagiging kongresista at pagiging boksingero. Isang malaking commitment para sa taumbayan ang pagiging elected official – sagrado iyon.
“You have to deliver. Iba naman ang pagiging boksingero ni Pacquiao. During the time na malayo pa ang eleksiyon, ang hirap nilang abuting mag-anak.
Ang asawa niyang si Jinkee na vice-governor naman ng kanilang lalawigan ay may sarili ring drama. Yumabang sila nang husto nu’ng kasagsagan ng pagiging champion ni Pacquiao.
“Wala silang ginawa kundi ang mag-rub elbows with the rich and famous sa iba’t ibang bansa na parang wala nang bukas. Ni hindi nga nila naisip ang mga kababayan nila – na parang hindi sila dumanas ng hirap sa buhay noon.
Si Jinkee ay malala na ang stiff neck, di ba? “Pero ngayong malapit na ang eleksiyon, they are singing different tunes, na kesyo gusto ni Jinkee na doon na lang mag-aral ang kanilang mga anak sa Gensan para ma-normalize ang buhay nila at hindi na raw siya tatakbo sa politics – magiging housewife na lang daw siya.
Si Manny naman ay panay ang ikot sa buong bansa dahil gusto pala nitong tumakbo bilang senador.
“Ginagamit niya ang popularidad niya as a boxer to win.
Ito namang ibang kababayan nating mga syonga’t kalahati, siyempre, bulsang-bulsa sila sa mga ipapangako ni Pacquiao kaya for sure lulusot ito sa pagka-senador dahil sobrang sikat, nga di ba?
Puwes, sa palagay niyo ba ay makakatulong si Pacquiao sa bansang ito once na mahalal siya as senator?
“Anong batas ang alam gawin ng idolo niyo, sige nga? Nu’ng yumaman ba si Pacquiao, natulungan ba niya kayo?
Sino lang ba ang nakinabang sa kinita niya – ang bansa bang ito? Hindi oy! Ang mga Hermes and LV bags ni Jinkee ang inuna nila at yung mamahaling alahas ng dear star-mom nilang si Mommy Dionesia, isama pa ang maswerteng young lover niya, di ba?
“Ano ang ibinigay ni Pacquiao sa mga nasalanta? Yung barya-barya niya. Huwag nga kayong padadala sa pagbait-baitan ni Pacquiao ngayon.
Wala naman kayong napakinabangan sa taong iyan, magpapabola pa ba kayo? Pag nakaupo iyan sa Senado, tiyak na mas lalong tatangos ang mga ilong ng mag-anak na iyan,” ang litanya ng aming kausap na galit na galit kay Pacman.
At hindi pa riyan natatapos ang pagsisintir niya, sabi pa nito sa amin, “Bakit hindi na lang sila manahimik sa buhay nila? Bakit hindi na lang sila magnegosyo para maalagaan ang pera nila.
Bakit atat na atat sila sa politics eh wala naman silang contribution sa Philippine politics. Ano bang kapaki-pakinabang na batas ang nagawa ng mag-asawang iyan para sa ikauunlad ng ekonomiya natin?”
“Kung tungkol sa sports, you don’t have to be a politician if you want to help the sports department. Iyan ay kung talagang sincere sila sa pagtulong,” pahabol pa ng kakilala namin.
Malinaw naman ang punto ng kausap natin eh – tama naman siya in many ways. Kaya lang, anong magagawa mo kung talagang madaling mabola ang mga kababayan natin?
Kaya advice lang namin sa inyo, pag dumating ang araw na hindi naman umangat ang mga buhay ninyo dahil sa mga maling iniluluklok ninyo sa puwesto, walang sisihan ha.
There’s no one else to blame here kungdi tayo rin, ok? Baka kasi akala ng mga kababayan natin, ang bansa is just a big boxing rink.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.