2 menor-de-edad na sakay ng motorsiklo; patay sa aksidente sa Pangasinan


PATAY ang dalawang menor-de-edad, samantalang sugatan ang kanilang kasama matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa sa isang sport utility vehicle (SUV) sa Asingan, Pangasinan kahapon ng umaga.
Sinabi ng pulis na nag-swerve sa kabilang linya ang driver ng motorsiklo na si Ryan Vincent Sison, 17, dahilan para mabangga ito ng isang Ford Everest sa Barangay Domampot, tinatayang 40 kilometro mula sa lungsod.

Dead on the spot si Sison, na residente ng Urdaneta City, samantalang namatay naman ang isa sa kanyang kaangkas na si Manilyn Abellenida, 16, habang dinadala sa ospital. Dinala naman ang isa pang pasahero na si Leon Aquino sa isang ospital sa Urdaneta City.

Idinagdag ng mga pulis na ang Ford Everest ay isang service vehicle ni Pangasinan Board Member Ranjit Shahani, na minamaneho ni Ramon Torralba, 55, na may sakay na kinilalang si Rogelio Cuyo, 38.

Read more...