INATASAN ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na umiwas sa media sa harap naman ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng simbahan na nagdiriwang pa ng ika-101 taong anibersaryo.
Sa isang panayam sa isang miyembro ng INC na tumangging pangalanan, sinabi niya na nagpalabas ang mga lokal na ministro sa mga probinsiya ng mga “tagubilin” matapos ang kanilang pagsamba nitong weekend bilang paghahanda sa anibersaryo nila ngayong araw sa Philippine Sports Arena sa Bulacan.
“We were told never to talk to the media. Should, for instance, we are cornered (by reporters), we are just to say that we’re there for the worship,” sabi ng source.
Idinagdag ng source na hinikayat din ng mga lokal na ministro ang kanilang mga miyembro ng magdala ng sariling sasakyan kumpara noong ika-100 taong anibersaryo nila na binigyan sila ng mga sasakyang magdadala sa Philippine Arena.
“They also gave away these tarpaulins that say ‘One with EVM'” for us to put on our cars,” ayon pa source.
Nangangahulugan ang EVM sa Eduardo V. Manalo, ang executive minister ng INC.