Isang ministro ng INC nagbitiw dahil sa awayan sa Iglesia | Bandera

Isang ministro ng INC nagbitiw dahil sa awayan sa Iglesia

- July 26, 2015 - 03:32 PM

20150726_152612
NAGBITIW ang isang ministro ng Iglesia ni Cristo sa pagsasabing hindi na niya kayang matagalan ang serye ng ginagawang pagtitiwalag sa kanilang simbahan.
Makikita sa isang video na inupload sa YouTube noong Linggo ng umaga na nagsasalita si INC minister Louie Cayabyab, ng Fremont, California sa kanyang congregation at sinabing hindi niya mapilit ang kanyang sarili na basahin ang mga circular na nagtitiwalag sa mga miyembro ng simbahan.

“The first circular is about the expulsion, from the Church, of the wife and children of Bro. Eraño G. Manalo. And another circular is the expulsion, from the Church of Bro. Isaias T. Samson Jr., the editor-in-chief — former editor-in-chief of The Pasugo. I decided, brethren, that I won’t read those circulars. You might be asking, “why?” Because in my heart, in my heart of hearts, I can’t take it. It is, it is just so difficult to betray one’s heart,” sabi ni Cayabyab.

Ito’y matapos itiwalag ng INC sina Cristina “Tenny” Villanueva Manalo at Felix Nathaniel “Angel” Villanueva, ang nanay at kapatid ni executive minister Eduardo V. Manalo, dahil umano sa pagiging dahilan ng paghahati-hati ng ikalawang pinakamalaking religious group sa bansa.

Sinabi ni Cayabyab na batid niya ang magiging resulta ng kanyang pag-alis sa puwesto.

“I know the repercussion of this and I know what will be the consequence. I know that I will be stripped out of my duty. From now on, I will no longer be a minister, probably I will be expelled from the Church, but I will take it brothers and sisters,” dagdag pa ni Cayabyab.
Maririnig naman ang pag-iyak ng ilang miyembro matapos ang pahayag ni Cayabyab.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending