Easily, si Karen Reyes ang nag-standout sa ipinakilalang Star Magic Angels recently in a presscon because she was the most kikay, the most down to earth and the most jolly.
Among the nine Angels, maganda ang tingin ni Karen sa buhay kahit na jologs ang kanyang image. She admitted, however, na she was intimidated dahil lahat ng kasama niya ay Inglesera.
“Noong una po, parang nakakapag-adjust naman ako kasi nag-aral ako sa John Robert Powers. Pero nakakatakot po kasi baka mapag-iwanan nila ako kasi sila Englisher.
Na-realize ko na hindi naman ako ‘yun, eh. Noong simula ay nai-insecure po talaga, noong hindi pa ako nakakapag-aral,” say niya.
“Actually, best in English po ako no’ng high school,” she revealed. “‘Yung tatay ng ex-BF ko ay British tapos niloloko-loko ko, eh, hindi ko alam na kapag ganoon pala, na hindi nakakapag-aral, napupurol ka, nawawala ang pinag-aralan mo.”
Iyon ang dahilan kung bakit nag-Personality Development siya sa John Robert Powers. Ini-reveal din niya na “Nagkamali ako ng grammar sa workshop at pinagtawanan nila akong lahat.
Eh, hindi naman ako nagdyo-joke ba’t n’yo ko pinagtatawanan. Na-offend ako sa sarili ko na hindi nila alam ‘yun. Doon nag-start na nag-aral talaga ako.”
Is she comfortable with the jologs image? “Actually kapag sinabing jologs, parang hindi siya complement.
Noong na-explain po sa akin na ito ang magiging jologs sa grupo, sabi ko, ano po ba ‘yon, parang complement? Sabi parang pang-masa kaya sabi ko, ‘okay po’.”