Maja wais na pagdating sa lalaki: Pahinga muna ang puso ko!

maja salvador

DIRETSO na ngayong sumagot si Maja Salvador kapag lovelife na ang topic.

“Dapat naman, di ba? Kaya ka nga natuto eh,” sagot ng dalaga kasabay ng pagsasabing wiser na siya ngayon pagdating sa lalaki dahil sa pagkakauntog sa huling pakikipagrelasyon niya.

“Nadurog kasi ako du’n, kay siguro pahinga muna ang puso,” hirit pa ng maganda at mahusay na leading lady ng seryeng Bridges of Love ng ABS-CBN na ang tinutukoy nga ay ang break-up nila ni Gerald Anderson.

Kaya mas marami ang nakakapansin sa kakaiba niyang atake sa role niya sa pinag-uusapang soap opera na nasa huling tatlong linggo na lang dahil aniya, “Masarap humugot ng isang emosyon kapag naramdaman mo na yun o nararamdaman.

Si Mia kasi, hindi lang basta babaeng na-inlab at ipinaglalaban ang pag-ibig, pero isa din siyang tao na tumitingin sa kung ano ang tama sa ngalan ng pag-ibig,” makahulugang paliwanag ni Maja.

Pramis ni Maja na after ng Bridges of Love ay magpapaka-busy siya sa iba pa niyang planong gawin after ng naging kontrobersiyal na break-up nila ni Gerald.

“Babawi naman ako para sa sarili ko. Ang dami-dami kong gustong gawin ngayon kaya pahinga muna ang puso,” sey pa nito.

Naniniwala siya na darating at darating din ang tamang lalaki sa kanya. Kaya nga diretso din niyang sinabi na sa pagkakaroon niya ng mga mabubuti at responsible na mga “boyfriends” sa Bridges Of Love na sina Jericho Rosales at Paulo Avelino, “Mas nagiging mature ako as a woman, and as a person.”

Read more...