Jane Oineza: Basta kami po, alam namin ang tunay na nangyayari!

jeron teng

IWAS na iwas ang Kapamilya young drama actress na si Jane Oineza sa estado ng relasyon nila ng UAAP basketball player na si Jeron Teng.

May kumalat kasing balita na itinigil na ni Jeron ang panliligaw sa kanya matapos silang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Pero sa thanksgiving presscon kamakailan ng afternoon series nilang Nasaan Ka Ng Kailangan Kita sa ABS-CBN, ayaw nang pag-usapan ng youngstar ang tungkol sa binata.

“Wala pong ganu’n. NKNKK lang po muna,” ang paiwas na tugon ni Jane nang matanong nga tungkol sa pagiging single ng mga bidang artista sa nasabing teleserye na extended nga ng ilang linggo dahil sa paghataw nito sa ratings game.

Pagkatapos ng presscon proper, nakorner ng ilang reporter si Jane at muling inusisa ang tungkol sa kanila ni Jeron, “Okay naman po kami.

Consistent pa rin naman ang communication. Ganu’n pa rin naman kami. “Siyempre, may UAAP din, ako may ganito, so focused muna sa career,” chika ng dalaga sabay sabing “nothing official” pa rin ang status nila ng sikat na cager.

“Same pa rin naman doon sa mga dati naming sinabi. Private muna kasi siyempre we are focused naman here in our work,” sey pa ng dalaga.

Pero totoo bang break na sila? “Ako, wala naman siguro sa akin, kasi marami namang mga tao diyan na hindi nila alam yung totoong kuwento.

Basta kami, alam namin kung ano ang nangyayari behind the cameras, behind everything, okay naman.”
Samantala, puring-puri lagi si Jane ng manonood dahil sa galing ng performance niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, lalo na ngayong pregnant young girl na siya sa kuwento ng serye.

Aminado si Jane na nahirapan siyang gawin ang mga unang eksenang buntis siya, “Kasi first time kong nagawa. Mayroon na talaga akong heavy drama noon, like sa Maalaala Mo Kaya.

Pero ito kasi, iba na ang emosyon, iba na ang pinagdadaanan. “Thankful lang ako siyempre na nandiyan sina Direk (Jeffrey Jeturian) at mga writers to guide us.

Kapag may hindi ka alam, nandiyan sila. Puwede mong tanungin kung ano ang puwede mong gawin.
“Siyempre, di ba, it didn’t happen to me yet, hindi mo pa alam kung saan ka huhugot ng emosyon.

Pero ’yon nga, nandiyan sila para tumulong. “Noong start kasi, hindi ko alam na aabot ako sa ganitong point. Pero abangan ang mga susunod pang mangyayari,” kuwento pa ng Kapamilya youngstar.

Sa mga kaedad niya na nabuntis din ng maaga tulad ng role niya sa serye, ano ang maipapayo niya? “Stay strong. Listen to the advice of the people like your mom or family.

Siguro lahat naman ng advice nila sa ’yo, para sa ikabubuti mo. Huwag ka lang mag-give up kasi ganyan talaga ang life.”

Sa direksyon nina Mervyn Brondial at Cathy Camarillo, kasama pa rin sa extended version ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sina Vina Morales, Christian Vasquez, Denise Laurel, Loisa Andalio, Jerome Ponce at Joshua Garcia.

Ang NKNKK ay kwento ng apat na babaeng sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, araw-araw, 3:15 p.m. pagkatapos ng Flordeliza sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Read more...