Pagtatapos ng serye ni Janella walang ingay; mas pinag-usapan pa ang ‘Ningning’

janela salvador

NATAWA lang kami sa turn of events nitong nakaraang linggo. Parang tahimik na nagwakas ang youth-oriented serye ng ABS-CBN na Oh My G! last Friday, topbilled by Janella Salvador.

‘Yung parang wala lang. Alam ng mga tao that it was ending last Friday pero parang deadma lang sila. May mga fans ang show na ito pero hindi siya masyadong nakapag-ingay.

Some say na cute naman daw ang palabas but it had to be cut short for some internal reasons, one of which daw ay ang pagka-link ni Janella sa isang lesbian na staff ng show.

Kumbaga, nakasira raw sa image ng kanilang bidang si Janella ang isyung ito. Wow ha! Napaka-cruel naman ng reasoning na ito. Kawawa naman ang bagets.

Napakabata pa niya para masuong sa ganitong issue. Ang comment naman ng isang nakausap namin, walang kinalaman ang sexuality ng mga artista sa kanilang profession – for as long as they deliver ay hindi raw ito dapat maging hadlang sa kanilang trabaho.

Kailangan pa bang mag-name-names? Huwag na lang at napakaraming maaapakan. Natawa nga kami last Friday sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM.

Just right before the show kasi ay merong sumagi sa utak kong isang song that has become very popular some decades back.

I tried to hum it and finally knew the title, “Loss of Love” pero it slipped my mind kung saan siya ginawang theme song before.

Hanggang sa marami na kaming listeners and televiewers ang nag-share ng kanilang knowledge about it, yes, it was the theme song of the old movie “Sunflower” starring my favorite actress of all time na si Ms. Sophia Loren with leading man Marcelo Mastroianni.

It was directed by Vittorio de Sica and produced then by Ms. Loren’s husband Carlo Ponti. My dear friend Frannie Zamora told us na pinalabas ito in 1970 sa buong mundo and became a big hit.

Maniwala ba kayo na sa mismong araw na iyon (Friday) ay pinutakti kami ng text messages (sa 2366) and even sa celfones namin about the movie “Sunflower”? Grabe pala ang movie na iyon – blockbuster pala talaga during that time.

Sobrang natuwa ako dahil for me it was the best film I’ve ever watched sa buong buhay ko. I cried a river in this film – and that beautiful song.

But nobody texted us about the closing of Oh My G! sa program namin last Friday. Surprising, ha. Kasi nga, normally, tuwing may nagwawakas na programa sa TV ay marami kaming natatanggap na text messages sa aming DZMM REACT asking why it had to close down – kung bakit ganito, ganoon.

Pero this time, wala man lang kaming natanggap na text message about the finale episode of the show. Mas marami pang nag-text tungkol sa bagong serye ng ABS-CBN na Ningning, ang papalit na show sa timeslot ng Oh My G!.

Marami ang excited sa pagpasok ng Ningning na magsisimula na bukas right before It’s Showtime. Ito’y pagbibidahan ng bagong child superstar na si Jana Agoncillo, kasama sina Sylvia Sanchez, Beauty Gonzales, Ketchup Eusebio at marami pang iba.

What happened ba sa Oh My G!? May nagsasabi sa akin na maganda naman ang programa at maraming aral din ang napupulot ng manonood sa bawat episode nito, pero bakit parang dumaan lang ito na hindi masyadong napag-usapan? Kahit sa social media ay hindi gaanong napag-uusapan ang serye ni Janella. Wawa naman, di ba?

Read more...