Separation pay dapat habulin

MAY limang buwan na po ang nakakalipas si-mula nang matanggal ako sa trabaho. Ako po ay nagtatrabaho sa isang publishing house o sa imprenta ng mga libro.

Marami naman ka-ming kliyente at matagal na rin ang aming company. May three years din ako sa company at ang sabi ng HR ay kinakaila-ngan daw na magbawas ng empleyado dahil hindi na daw ganoong malakas ang printing services namin.

Hindi na rin ako naghabol dahil nakahanap naman ako agad ng trabaho. Ang kaso, hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang aking separation pay. Dapat ko pa itong habulin? At ask ko rin kung magkano ang dapat kong makuha sa tatlong taong pagtatrabaho sa dati kong pinapasukan?

Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. Lagi po akong mag-aabang ng Aksyon Line sa inyong pahayagan para malaman ang magi-ging tugon ninyo sa aking katanungan. Salamat po.
Abegail

REPLY: Ang sinumang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa ilang kadahilan na nakasaad sa aticle 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines.

Ang karapatan ng isang manggaawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kanyang pagkakahiwalay sa serbisyo.

Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatwirang kadahilanan.

Sinumang manggagawa ay may karapatan na mabayaran sa pagkahiwalay sa trabaho katumbas ng kalahating buwang sahod sa bawa’t taon ng serbisyo.

Ang panahong di kukulangin sa anim na buwan ay dapat ituring na isang buong taon.
Kung ang dahilan ng pagkakahiwalay sa trabaho ay ang mga sumusunod na awtorisadong kadahilanan.

1. Pagtitipid ng gastos upang maiwasan ang pagkalugi (pagbabawas ng manggagawa para makaiwas sa pagkalugi);

2. Pagsasara o pagtigil ng operasyon ng establisyimento o negosyo (ang dahilan ng pagsasara o pagtigil ay hindi dahil sa matinding pagkalugi o financial reverses);

3. Kung ang manggagawa ay napag-alaman na may sakit na hindi mapapagaling sa loob ng anim na buwan at ang kanyang patuloy na pagtatrabaho ay makakasama sa kalusugan at sa kalusugan ng kanyang mga kapwa manggagawa;

Kinakailangan din na nabigyan ka ng abiso sa iyong terminasyon.

Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng abiso sa empleyado at sa Regional Office ng Department of Labor and Employment na nakakasakop sa lugar na kung saan matatagpuan ang inyong tanggapan at kinakailangan ang abiso ay may palugit na isang buwan.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Dir. Nicon Fameronag Director for
Communications/ Spokesperson
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...