Makapag-aabroad ba si mister? (2)

Sulat mula kay Lota ng Luyahan, Pasonanca, Zambonga City
Problema:

1. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nais ko sanang pag-abroadin ang mister ko kaya lang mahina ang kanyang loob. Sa ngayon ay kinukumbinsi ko pa po siyang mag-aplay sa abroad at sumama sa kapatid niyang nagse-seaman. Tapos kasi ng seaman ang mister ko kaya lang ni minsan ay hindi naman siya nasampa ng barko. Kumpleto naman siya ng papeles para makapag-abroad. Gusto ko lang malaman kung mapapapayag ko ba ang mister ko na mag-abroad tulad ng kapatid nya para umunlad din ang buhay namin? At kung sakaling makapag-abroad na siya, magiging maganda kaya ang kalagyaan niya sa barko at kikita din kaya siya ng mala-king halaga?
2. Kung mapipilit ko si mister na mag-ayos ng mga requirement sa taong din kayang ito ng 2015, may pangingibang bansa kayang itatala sa ikamyang kapalaran? September 14, 1986 ang birthday ng mister ko.

Umaasa,
Lota ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Virgo ng (Illustration 2.) nang iyong mister ang nagsasabing susu- wertehin siya sa ibayong dagat kaya nga lamang ang magi- ging tukso sa kanya ay ang mga bisyo. Subalit kung maiiwasan niya ang bisyo lalo na angs sugal, tuloy-tuloy na nga siyang susuwertehin hanggang sa mapaunlad niya ang inyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date n’yang 14 ng iyong mister ay nagsasabing sa sandaling siya ay nakapag-barko, tuloy-tuloy na yon at siya ang sasawaan sa pangingibang bansa. Kaya nga habang nasa abroad si mister, dapat mag ipon ka nang mag-ipon upang kung dumating na ang retirement age ninyong mag-asawa, dahil marami na kayong ipong pera, mabubuhay na lang kayo ng masarap at maligaya.
Huling payo at paalala:
Lota ayon sa kapalaran ng inyong pamilya tama ka kung mapipilit mong mag-abroad si mister at mabi-
bigyan mo siya ng lakas ng loob o encouragement na sumama sa kanyang kapatid na seaman magtutuloy-tuloy na nga ang magaganap, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, makakaalis na ang iyong mister, makapagba-barko, hanggang sa umunlad na rin nang umunlad ang inyong pa-milya at sa bandang huli kapag hindi tumigil sa pagba-barko si mister, maaari pa kayong yumaman nang yumaman.

Read more...