Nangyayari sa INC hindi dapat pagtawanan

ANG bangayan ng mga matataas na opisyal sa loob ng Iglesia ni Cristo (INC) ay hindi dapat pinagtatawanan ng ibang relihiyon.

Ang mga namumuno ng isang religious organization ay mga tao rin.

Ang INC, na itinatag noong 1914, ay isang batang samahan at ito ay nakakaranas lamang ng matatawag nating birth pangs o panganganay.

Ang Simbahang Katolika, na mahigit na 2,000 taon na, ay nakaranas din ng panganganay.

Nagkaroon ng Great Schism o Malaking Paghihiwalay sa Simbahang Katolika nang ang Greek Orthodox Church at ang Roman Catholic Church ay naghiwalay ng landas noon 11th century.

Marami ring prominent members ng Simbahan, kasama na rito si Martin Luther, na isang pari, ay tumiwalag dahil sa pagkakaiba sa doktrina at power struggle.

What is happening within the INC is a quarrel over religious doctrine and power struggle.

Ang popularidad ni Sen. Grace Poe ay flash in the pan o panandalian lamang.

Ang biglang pagtaas ni Poe sa mga surveys ay resulta ng pagbaba ng popularity ni Vice President Jojo Binay dahil sa mga binibintang sa kanya na siya’y nangurakot noong siya’y mayor ng Makati City.

Soon, voters will realize that she will become an OJT (on-the-job-training) President kung siya’y mahalal.

Ang mga botante ngayon ay intelihente na. Alam nila na kailangan ng honesty and sincerity sa isang lider, pero mas kailangan ang karanasan.

Dahil si Binay ay bagsak na, at si Interior Secretary Mar Roxas, na presumptive Liberal Party presidential candidate, ay ayaw nang masa, at si Poe ay walang karanasan, ang pipiliin ng taumbayan ay si Davao City Mayor Rody Duterte.

Bukod sa may karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno bilang mayor ng Davao City, si Duterte ay may spotless record kung ang paguusapan ay pera.

Duterte transformed Davao City from a crime-ridden city to one of the world’s safest cities.

Kapag siya’y naging Pangulo, tutularan ng buong bansa ang Davao City.

Si Duterte ay may konek sa masa.

Read more...