MAAARI nang makaalis ng Pilipinas ang American singer na si Chris Brown matapos namang makakuha ng emigration clearance certificate (ECC) mula sa Bureau of Immigration (BI) ngayong hapon.
Sinabi ni BI spokesperson Elaine Tan na personal na humarap si Brown sa immigration office ganap na alas-4 ng hapon sa Makati City para kumuha ng ECC. Aniya, naaprubahan ang aplikasyon ni Brown.
“ECC issued by BI Makati office around 4:30 p.m. today after verifying that Chris Brown has no other derogatory record apart from the [immigration lookout bulletin],” sabi ni Tan. “Departure formalities would be implemented by immigration officers at the airport.”
Idinagdag ni Tan na mananatili si Brown sa listahan ng lookout bulletin.
“He will have to present his ECC,” dagdag ni Tan.
Inaasahan namang aalis si Brown sakay ng kanyang pribvate jet anumang oras ngayong araw.
Pinigil si Brown na makaalis ng bansa matapos siyang ilagay sa watch list ng BI.