May libreng wifi na sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila simula ngayong araw.
Sa isang Facebook post, inihayag ng Philippine Information Agency (PIA) Regional Watch na nakatakdang ilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang libreng WiFi zone sa Rizal Park sa Maynila at Quezon City Memorial Elliptical Circle.
Bahagi ito ng inisyal na bahagi ng P1. 4-bilyong proyekto ng DOST.
Layunin ng proyekto na mabigyan ng libreng Wi-Fi ang tinatayang 7,112 pampublikong lugar sa 967 munisipalidad.
MOST READ
LATEST STORIES