NAGPALABAS ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa negosyanteng si Cedric Lee kaugnay ng kasong graft at malversation na inihain laban sa kanya kaugnay ng isang hindi natuloy na proyekto na isang pampublikong palengke sa Bataan.
Ito’y matapos magpalabas ang antigraft court Third Division ng resolusyon na nagsasabing may probable cause para ituloy ang kaso laban sa kanya at kapwa akusado na si dating Mariveles mayor Angel Peliglorio.
Sa isang press conference, sinabi ni Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma na ipinalabas ang arrest warrant laban kay Lee matapos mabigong maglagak ng P300,000 piyansa para sa kasong graft at P40,000 naman para sa kasong malversation.
Kinasuhan sina Lee atPeliglorio ng malversation at graft matapos umanong magsabwatan para sa P23.47-milyong loan sa bangko na ibinigay sa kumpanya ni Lee na Izumo Contractors Corp. noong Marso 27, 2005.
Bukod sa arrest warrant, nahaharap din si Lee sa kasong tax evasion kaugnay naman ng hindi umano pagbabayad ng ng Izumo Contractors ng P194.47 milyong buwis mula 2006 hanggang 2009.
Nagpiyansa si Lee matapos naman ang kasong illegal detention at grave coercion na inihain laban sa kanya at sa modelong si Deniece Cornejo matapos ang umano’y pambububugbog sa aktor at tv host na si Vhong Navarro. Inquirer.net