ITINANGGI ng isang opisyal ng Iglesia ni Cristo na watak-watak na ang simbahan matapos itiwalag ang ina, kapatid ng punong ministro at ilan pang mga manggagawa.
“Hindi po porke’t may tumiwalag eh nangangahulugan nang divided ang Iglesia ni Cristo. Iilang tao lamang po ito na mga itiniwalag.
Ang Iglesia ni Cristo ay malaking organisasyon po hindi lamang sa Pilipinas,” ayon kay INC spokesman Edwin Zabala sa Radyo Inquirer 990AM.
Itinanggi rin nito na nahaharap sa malaking krisis ang INC, kahit nagdesisyon ang pamunuan na itiwalag ang ina at kapatid ng punong ministro na si Eduardo Manalo, na sina Tenny at Angel.
Sa isang video na inilabas sa Youtube, nanawagan si Angel sa publiko at mga miyembro ng INC na tulungan sila dahil nasa panganib ang kanilang buhay.
Mariin ding pinabulaanan ng isa pang opisyal ng INC ang pahayag ni Angel na ilang ministro ang dinukot.
“They allege that some ministers have been kidnapped. They want to make it appear that Iglesia is involved. That’s not true,” ayon naman kay INC general evangelist Bienvenido Santiago sa isang press conference.
Itinanggi rin nito ang akusasyon na merong nagaganap na korapsyon sa loob ng INC. – Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES