Raymart sinorpresa si Claudine, niregaluhan ng kama

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

Nagbatian ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago noong nakaraang birthday nila. Sabay na nagdiwang ng kaarawan ang dalawa noong July 20.

Kahit na hindi sila magkasama noong mismong birthday nila, siniguro nina Raymart at Claudine na mabati ang isa’t isa.

“Siya ang unang bumati sa akin talaga. Patawag pa lang ako sa kanya, nag-text siya ng happy birthday.

Sabi niya parang ‘I hope you enjoy today.’ Tinawagan ko rin siya. Sinabi ko lang, ‘Happy birthday Mart.

More blessings and happiness to come your way.’ Iyon lang. Nagkausap kami sandali tapos binati siya ng kids,” ayon kay Claudine sa interview ng ABS-CBN.

Dagdag ng aktres, hinihintay na lang nila ang me- morandum of agreement na kailangan nilang pirmahan para ma-settle na ang lahat ng kinasasangkutan nilang kaso.

Nang matanong kung binigyan ba siya ng regalo ni Raymart, ang tugon ni Claudine, “Medyo maaga ‘yung gift niya sa akin kasi before I did my first shooting day for ‘Etiquette For Mistresses,’ naghahanap ako ng bed na pang-shooting and portalet. Binili lang niya kasi narinig niya from the kids.”

Ano naman ang kanyang birthday wish? “Wala na akong birthday wish. Thank you na lang talaga kay God sa lahat lahat. Tapos na ang mga madilim na pinagdaanan ko. Ito na ang new beginning for me and my family.”

Mukhang isa-isa nang naaayos ang mga issue ni Claudine, pagkatapos nilang magkasundo ng kanyang nakahiwalay na asawa, naging maayos na rin ang relasyon niya sa kapatid na si Marjorie Barretto.

“Talagang you just have to be faithful na may rason kung bakit nangyayari lahat. Talagang may test and trials na kailangang pagdaanan ang bawat tao. Siguro masasabi ko na na-pass ko ang test and trials ko with flying colors dahil sa faithfulness ko sa Diyos,” sey pa ni Claudine sa nasabing panayam.
Ang tanong, kailan naman kaya sila magkakabati ng ate niyang si Gretchen?

Read more...