TAWAGIN niyo na lang po akong Ms. Cancer. Marami po akong katanungan na sana ay inyong matugunan.Sa totoo lang po napakahaba ng storya ko ngunit paiigsiin ko na lamang.
May kalive-in partner po ako, 2 years na kaming magkasama dito sa Dubai. Ang partner ko po ay kasal pa sa nanay ng una niyang anak, ngunit mahigit 10 years na silang hiwalay, nagpakasal lamang po sila dahil pinilit siya ng magulang ng babae dahil sa bata.
Naset-up po ang BF ko ng babaeng patay na patay sa kanya. Dahil sa sobrang mabarkada siya ay nakabuntis muli ng ibang babae na nakainuman niya at patay na patay rin sa kanya.
Kaya hanggang duma-ting ang araw na nagpunta siya rito sa Dubai at nagkakilala ng ibat ibang babae, sakasamaang palad nabuntis niya ang naging gf niya ngunit hindi niya ito pinanagutan dahil sa nagkahiwalay sila. Bale tatlo na ang kanyang anak, sa tatlong babae.
Ngayon, ako ang kasalukuyan niyang kinakasama. Sa totoo lang bago naging kami ay alam ko na may naanakan siya, ngunit hindi ko alam na kasal siya at may anak pa sa ibat ibang babae. Nalaman ko na lamang pagka-tapos namin mag isang taong anibersaryo. Hindi niya ito inamin sa akin kung hindi ko pa nahalungkat ang kanyang FB. Masakit ito para sa akin. Marami kaming pinagdaanan bago pa namin nakamit ang “legal” na pagmamahalan. Dahil noon ay hindi pabor ang pamilya ko sa kanya dahil alam nila na may isang anak na ito ngunit hindi nila alam na kasal ito at maraming anak. Mahal ko siya pero masyadong kumplikado ang buhay niya.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapag-isip nang mabuti dahil nananaig ang puso kaysa isip ko. Simula ng maging kami lagi namin pinag uusapan ang annulment niya ngunit wala itong ginagawang aksyon.
Lagi niyang sinasabi sa akin na maghintay lamang ako at papakasalan din niya ako. Lumipas ang dalawa’t kalaha-ting taon ay walang nangyayari. Ang balak namin magsettle sa susu- nod na taon ngunit natatakot akong mabuntis dahil ayokong maging ilegal kami ng magiging anak ko. Ang dati niyang asawa ay mayroon ng bagong pamilya, ngunit hindi namin malaman kung bakit hindi ito nagpapa-annul. Palagay ko hinihintay niya ang BF ko na siyang mag-file ng annulment case upang sa amin ang gastos. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil walang pera ang BF ko para magpa-annul. Nasa Pilipinas na ito nga- yon at wala nang balak bumalik sa Dubai. Nais na lamang niya alagaan ang lola niya. Wala siyang perang ipon. Hindi ko talaga alam kung ipagpapatuloy ko pa ang relas-yon kong ito? Mahal namin ang isat isa. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po!
Ms. Cancer
Salamat sa iyong e-mail Ms. Cancer ng Dubai… Objectively, sasabihin kong kalimutan mo na lamang ang taong ito at maghanap ng less complicated na lalaking mamahalin.
Pero damdamin mo ito at ikaw din naman ang magdedesisyon sa huli.
What does your heart and head tell you? Sa iyong naikwento, parang may history with girls ang iyong BF na masasabi kong hindi katiwa-tiwala.
Tandaan tatlo na ang mga anak n’ya sa iba’t-ibang babae, wouldn’t this give you a clue about his personality? Sabi mo rin ni walang ipon at hindi mo nakikita ang future mo with him, so why would you still linger over this, ‘di ba?
I think the fact na aware ka sa kalagayan mo, it means the voice in your head is saying what’s best for you. Trust your instinct and avoid more heartaches moving forward. I wish you the best.