Julie Anne sa sobrang kapayatan: Wala akong sakit, hindi ako umiinom ng pills!

JULIE ANNE SAN JOSE

JULIE ANNE SAN JOSE

UMARIBA na naman ang mga haters at bashers ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose. Ipinakakalat kasi ng mga ito na may sakit ang dalaga kaya sumobra na ang kapayatan nito.

Sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA na Buena Familia, kung saan isa si Julie Anne sa magiging anak ng balik-tambalan nina Bobby Andrews at Angelu de Leon, marami ang nagulat sa katawan ng award-winning singer.

Halos buto’t balat na kasi ang dalaga ngayon, kaya ang feeling ng iba ay may karamdaman ang Kapuso singer-actress. Anorexic nga ba si Julie Anne tulad ng kumakalat na chika?

“Ay, hindi po, wala akong sakit! Kasi po nag-diet po ako noong una. Tapos, yun, nagtuluy tuloy na po.

Tapos, dumami yung work ko. Napabayaan ko for quiet some time,” paliwanag ng ka-loveteam ni Jake Vargas sa Buena Familia.

May tine-take ba siyang slimming pills o gamot? Grabe naman daw kasi ang resulta ng kanyang pagda-diet?

“Ay, hindi po, never po akong nag-take ng kahit na anong iniinom. Malakas po kasi akong mag-cardio before. Yun po talaga yung malakas na nakapagpayat sa akin.

“Bike lang. Kasi po kinailangan ko siya for the music video before na shinoot ko na. So, doon na ako nag-start.

“Kumakain po ako. Hindi naman po malakas pero I’m trying to gain more weight,” paliwanag pa ng dalaga.

Mas naging confident ba siya ngayong halos kasing-payat na siya ni Kim Chiu? “Well, kasi as a celebrity, you have to look good. Alam mo dito sa atin, masyadong judgmental ang mga tao.”

Noong katatapos lang niyang mag-diet, nasa 21 hanggang 22 inches ang waistline ni Julie Anne, pero dahil bumalik na siya sa regular na pagkain, nasa 23 hanggang 24 inches na ang kanyang baywang.

Read more...