MAHIRAP talaga ang may Twitter for someone as pikon as me or the likes of Sharon Cuneta, Luis Manzano, etcetera. Kaya kahit anong pilit nina kafatid na Ogie Diaz at Karen Davila na gawan ako ng Twitter account ay umayaw talaga ako.
Unang-una, hindi ako techie na tao – okay na ako ‘kako sa Facebook. Eh kung sa FB nga ay mapagpatol ako minsan, what more siguro kung meron akong Twitter. Tuwing may titira sa akin ay tiyak na hindi ko palalagpasin or di kaya matagal na akong inatake sa puso sa irita, di ba?
Tingnan ninyo itong latest case kay Luis Manzano nang tawagin siyang bakla ng isang basher niya. Patol to the max si Lucky, as in. He mentioned the words biik, etits, at kung anu-ano pang nakakalokang salita. May fun angle ang tweets niya pero it didn’t look good on him na kilala sa pagiging edukado dahil college graduate from a noted private school. Lumabas tuloy ang other side ni Luis – ang pagiging palengkero in him na normal lang naman sa taong inis.
“Akala ko disente ang batang iyan – I find him very funny in many ways – brilliant as a host pero when I read his backlash sa basher niya, nanghina ako. Hindi ko akalain that this Luis Manzano na anak pa naman ng mga sikat na celebrities ay papatol nang ganoon sa hater. Bastos ang dating sa akin kahit sabihin pa niyang patawa lang yun. It was in bad taste kasi,” komento ng isang kausap namin.
“After reading his posts, nag-isip tuloy ako – I asked myself kung totoong bakla ba ang batang ito. Kasi nga, sa pagsagot niyang obvious na sobrang pikon, lumabas ang tunay na character niya – very gay ang pagpatol niya. Well, wala namang masama sa pagiging gay.
“I have a lot of gay friends pero the way Luis answered back with so much anger na idinadaan sa humor kuno spoke of his character. Stop that Twitter if you can’t stand criticisms. Hindi naman lahat ng tao ay kilala ka kaya para wala na lang isyu, tigilan na niya ang pag-tweet para di siya ma-offend.
“Paulit-ulit niyang sinasabing baka di na raw nakikita ng basher niya ang sex organ nito dahil sa sobrang taba or something to that effect, it really made him cheap. Iyan ang take ko roon,” sabi naman ng may edad nang kakilala ko na nakabasa ng tweets ni Luis.
Kaya ako, palagi kong iniisip ang sinasabi ni ‘Nay Cristy Fermin (belated happy birthday pala, Tenggol!) na huwag mag-post or mag-text ng anything bad pag galit ka. Pahupain mo muna ang feelings mo bago ka mag-react para di ka malagay sa alanganin.