Kris: Si Vice lang ang pwedeng mang-asar sa akin kay Herbert!

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

Nanibago kami kay Kris Aquino nang mapanood namin siya sa Aquino And Abunda Tonight noong Martes ng gabi kaya tinext namin siya ng, “Good evening po, ganda ninyo sa AA, bagay ang simpleng nakatali lang ang hair, you look fresh po, good night.”

Pre-taped na ang AA dahil nga late na silang umeere simula nang magpalit sila ng timeslot ng PBB 737 kaya sigurado kaming tulog o nasa bahay na si Kris nang tinext namin siya bandang 11 p.m.. Pero nagulat kami dahil sumagot agad si Kris, “Thanks Regs, New, no make-up look. Kutis lang!!”

At kaya pala gising pa siya ay dahil ka-text din niya si Vice Ganda that time na napansin din daw ang new look ng TV host-actress.

Dito na nga pinost ni Kris ang usapan nila ni Vice sa kanyang Instagram account kung saan inamin niyang totoong nagkakaroon din sila ng tampuhan ni Vice pero nananatili pa rin silang magkaibigan sa loob ng anim na taon.

“Last night sinabihan nya kong harsh my makeup, nanlilisik daw mata ko, so nakinig ako & I challenged @athanco to do the no make-up look, KUTIS lang. It takes years of closeness, understanding, compassion, mutual effort & honesty to become true friends.

“Nagtampuhan, nagdedmahan, nagmahalan na kami ni Vice for 6 years plus. And our formula is that we know how to tell each other the truth w/o getting sensitive or hurtful, we know when to give each other a pat on the back & words of encouragement, and we know how to take things seriously, while still knowing how & when to laugh.

“Siya lang ang puwedeng asarin ako about HB (Herbert Bautista) na hindi ako napipikon. AND siya talaga ang pinakikinggan ko regarding what looks good & what’s worth talking about, because I feel his genuine love & concern,” mensahe pa ni Kris sa kanyang IG account patungkol sa friendship nila ni Vice.

Read more...