PANIBAGONG insidente na naman ng food poisoning ang naiulat Huwebes ng hapon sa Lucena City.
Tatlong bata ang isinugod sa ospital matapos makaramdam ng sintomas ng food poisoning ilang oras matapos makakain ng leche puto.
Nagtungo si Rodolfo Baron sa pulisya Miyerkules ng gabi para i-report ang umano’y pagkakalason ng tatlo niyang anak na sina Randulp Alyster, 9; Ryzelle Ann, 4; at Rhen Avien, 1, matapos kumain ng leche puto na hinihinalang panis na.
Ayon sa ama ng mga bata, alas 4;45 ng hapong iyon ay inuwian niya ang pamilya ng leche puto. Madali namang kinain ng mga bata ang pagkain ngunit pagkalipas umano ng ilang minuto ay isa-isa nang nagsakitan ang tiyan ng mga ito at nagsusuka.
Sa takot na baka may mas malala pang mangyari ay isinugod ni Rodolfo ang mga anak sa Mt. Carmel Hospital.
Ayon pa sa ama ng mga bata, walang expiration date na nakalagay sa kahon ng puto na kanyang nabili sa palengke.
MOST READ
LATEST STORIES